Mahigit 1,200 special permit na ang inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa mga pampublikong sasakyan na bibiyahe sa mga probinsya ngayong Undas.
Ayon kay Acting LTFRB Chairman Atty. Greg Pua Jr., kabilang sa mga nabigyan ng permit ang mga bus at mini-bus.
Inaasahang madaragdagan pa ang mga aplikasyon habang papalapit ang Undas, lalo na sa mga rutang kulang ang mga sasakyan batay sa advance at online booking.
Magsasagawa rin ng inspeksyon ang LTFRB sa mga terminal sa susunod na linggo. Layunin nitong matiyak na sapat at handa ang mga sasakyan para sa mga biyaherong uuwi sa probinsya at babalik matapos ang Undas.