Inaprubahan ng Civil Service Commission (CSC) ang qualification standards para sa mga bagong posisyon ng school counselors sa mga pampublikong paaralan.
Layunin nitong suportahan ang pagpapatupad ng Republic Act No. 12080 o ang batas para sa mental health at well-being ng mga mag-aaral.
Kabilang sa inaprubahang posisyon ang Schools Division Counselor, School Counselor I hanggang IV, at School Counselor Associate I hanggang V sa ilalim ng DepEd.
Ayon sa CSC, titiyakin ng mga pamantayan na mga kwalipikadong mental health professionals ang mapupunta sa mga paaralan.
Kailangan ng mga aplikante ang kaukulang edukasyon, karanasan, training, at eligibility depende sa posisyon.
Gagamitin ang qualification standards bilang gabay sa pag-apruba ng appointment at iba pang personnel actions para sa mga naturang posisyon.