Sa pagtatapos ng 59th ASEAN Foreign Ministers’ Meeting Martes ng tanghali, agad naglabas ng pahayag ang ASEAN Foreign Ministers, na nagpahayag ng labis na pagkabahala sa paglala ng sitwasyon sa Middle East bunsod ng mga muling pag-alab ng sigalot sa pagitan ng United States at Iran.
Dahil dito, hinimok ng ASEAN Foreign Ministers ang bawa’t partido na iwasan ang anumang aksyon na maaaring makapagpalala sa sitwasyon at hinimok ang pagtataguyod sa international law, katatagan at diplomasya sa pagresolba sa anumang tension. Mababasa ang kabuuan ng pahayag dito: https://asean.org/asean-foreign-ministers-statement-on-the-evolving-situation-in-the-middle-east/
Samantala, ayon kay Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro, sa mga susunod na araw ay nakatakdang magsagawa post-ministerial conferences at iba pang pakikipagpulong ng ASEAN member states kasama ang mga high contracting parties, na kinabibilangan ng U.S., Japan, Russia, India China, at mga European Countries. Patunay aniya ito ng pagsusulong ng ASEAN na bumuo ng mabuting ugnayan sa pagitan ng mga bansa sa loob at labas ng rehiyon, sa gitna ng mga hamon sa mundo ngayon.
