Photo courtesy of Department of Information and Communications Technology (DICT)
Nilagdaan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at Land Bank of the Philippines ang isang kasunduan para bumuo ng AI-powered digital solutions na magpapadali sa pagkuha ng pautang at digital transformation ng micro, small, and medium enterprises (MSMEs).
Ayon kay DICT Secretary Henry Aguda, bahagi ito ng ASEAN Priority Economic Deliverable on AI-Powered MSMEs Growth na layong palawakin ang paggamit ng AI ng maliliit na negosyo.
Sa ilalim ng kasunduan, palalakasin ang creditworthiness at produktibidad ng MSMEs sa pamamagitan ng AI at pilot financing projects.
Kasama sa AI Tech Stack ang paggawa ng business plans, pagproseso ng requirements, marketing, at paghahanap ng financing at government support.
Sinabi ni Aguda, makatutulong ang AI upang mapalawak ang oportunidad at access sa financing ng MSMEs.
Inaasahang magiging mas handa, produktibo, at mas kompetitibo ang maliliit na negosyo sa tulong ng AI initiative.