Photo courtesy of Department of Social Welfare and Development (DSWD)
Binuksan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang unang araw ng ASEAN High-Level Conference on Social Protection, sa Asian Development Bank Headquarters sa Maynila.
Hinimok ni Gatchalian ang mga bansang miyembro ng ASEAN na palakasin ang mas pinagsama, mabilis umangkop, at naka sentro sa pangangailangan ng mamamayan na social protection systems.
Ayon sa kalihim, hindi na lamang nakatuon ang social protection sa pagbawas ng kahirapan kung hindi pati sa paghahanda laban sa climate change, krisis pang-ekonomiya, at iba pang panganib.
Dumalo sa kumperensya ang mga opisyal mula sa ASEAN Member States, ADB, at iba pang ahensya upang talakayin ang pagpapalakas ng social protection programs sa rehiyon.