Nakatakdang pangunahan ngayong araw ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang eGovHackathon 2026, na itinuturing na isa sa pinakamalalaking hackathon ng pamahalaan.
Ayon kay DICT Secretary Henry Aguda, magsasama-sama rito ang Pinoy developers, designers, at innovators para bumuo ng mga digital solution na magpapahusay sa paghahatid ng serbisyo publiko at magpapabilis sa digital transformation ng pamahalaan.
Binigyang-diin din ng kalihim na maipapakita sa naturang aktibidad ang diwa ng Digital Bayanihan, kung saan nagtutulungan ang mga eksperto sa teknolohiya para makabuo ng mga sistemang mapakikinabangan ng milyon-milyong Pilipino.
Gaganapin ang eGovHackathon 2026 sa SMX Convention Center Aura sa Taguig mula July 21 hanggang 22.
Ang mga koponang kalahok rito ay binubuo ng tig-lilimang miyembro mula sa iba’t ibang panig ng bansa sa ilalim ng temang “Collaborative Solutions for a Better Philippines.”
Ayon sa DICT, nakatuon ang kompetisyon sa pagbuo ng mga solusyon para sa system reliability, cybersecurity, scalability, user experience, at pagpapahusay ng digital public service.