Walang magaganap na suspensyon sa ₱85 wage increase para sa mga manggagawa o minimum wage earners sa Metro Manila.
Ito ang siniguro ni Communications Usec. Claire Castro, kasunod ng NCR Wage Order No. 27, na nagtatakda na ang unang tranche ng wage hike na ₱60, mararamdam simula July 25, 2026.
Ang ikalawang tranche, na ₱25, mararamdaman simula January 20, 2027.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ng opisyal na wala naman silang natanggap na impormasyon kung mayroong mga negosyante o kinatawan ng pribadong sektor na humiling na ipatigil ang implementasyon nito.
Ang malinaw ayon kay Castro, tuloy-tuloy ang paggulong ng ₱85 wage hike, na inaasahang pakikinabangan ng nasa 1.1 million na manggagawa sa Metro Manila.