Kinumpirma ni Senate Impeachment Court Presiding Officer Chiz Escudero na natanggap na niya ang Letter of Manifestation mula kay Senador Rodante Marcoleta.
Sa naturang liham, hinihiling ni Marcoleta na makabahagi siya sa impeachment trial sa pamamagitan ng pagboto.
Ipinunto ni Marcoleta ang rule noong impeachment trial ni dating Pangulong Erap Estrada na nagpapahintulot sa Senate President na magkaroon ng mekanismo para makaboto ang isang senador sa anumang usapin.
Ayon kay Escudero, hindi niya muna ito dedesisyunan.
Pinapasa ng Presiding Officer ang pagtalakay sa usapin sa Senado, bilang legislative body.
Anuman aniyang maging desisyon ng Senado bilang legislative body ay ia-adopt ng impeachment court.
Pero sa personal na pananaw ni Escudero, pabor siya sa request ni Marcoleta basta’t walang suspension order laban sa senador.