Iginiit ni Senator-Judge Robin Padilla na tumugon siya sa summons na ipinadala sa kanya ng Office of the Ombudsman kaugnay ng Obstruction of Justice case na isinampa laban sa kanya.
Ang kaso ay may kaugnayan sa pagpapatakas umano kay Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa noong Mayo.
Sa pagsisimula ng Day 7 ng Impeachment trial ni Vice President Sara Duterte nitong Lunes, tumayo si Padilla para itanggi ang mga impormasyong hindi umano niya pinansin at tinugunan ang summons ng Ombudsman.
Ayon sa senador, nakakalungkot ang mga lumabas na ulat, lalo na para aniya sa isang senator-judge na maakusahang hindi sumusunod sa batas.
Inihayag ni Padilla na inihain na niya ang kanyang counter-affidavit sa Ombudsman.
Kasunod nito, humarap sa media ang abogado ni Padilla para sa kaso na si Atty. Julius Henry Balteza.
Ipinakita ni Balteza ang dokumento na may received stamp ng Office of the Ombudsman noong July 9, 2026, 4:40pm.