Photo courtesy of Department of Education (DepEd)
Patuloy na umaasa ang Department of Education (DepEd) na mapapanatili nila ang pinaka-malaking budget para sa taong 2027.
Ito ang naging pahayag ni Education Secretary Sonny Angara matapos matanong kung mayroon na itong proposed budget para sa taong 2027.
Sagot naman dito ng kalihim, na target nilang i-propose ang ₱900 billion budget para sa susunod na taon bunsod na rin ng mga pangangailangan para sa sektor ng edukasyon at sa mga naka-linyang proyekto, upang madagdagan pa ang educational infrastructure at facilities ng bansa.
Nasa kamay naman na ng mga mambabatas kung maaaprubahan ang ihahaing budget proposal ng DepEd.