Senate of the Philippines
Naghain ng “not guilty” plea si Senator Rodante Marcoleta sa dalawang kasong kinahaharap sa Sandiganbayan 3rd Division.
Ito ay kaugnay ng mga kasong plunder at paglabag sa Presidential Decree No. 46, na nagbabawal sa mga opisyal ng pamahalaan na tumanggap ng regalo sa mga pribadong indibidwal.
Bago ang arraignment, binawi ni Marcoleta ang kanyang motion to quash sa kasong plunder.
Ngayong tapos na ang arraignment, susunod na itatakda ng korte ang paglilitis sa kaso.
Mamayang hapon ay naka skedyul din ang arraignment ng senador kasama naman si dating Cong. Mike Defensor para sa kasong paglabag sa PD 46 na hawak naman ng Sandiganbayan 4th Division.