Arestado na ng Philippine National Police (PNP) ang 2 suspek sa pagpatay sa vlogger na si Alicia Lipata sa Caloocan City.
Sa pulong balitaan sa Kampo Crame, sinabi ni PNP-Public Information Office Chief PCol. Allen Rae Co, naaresto ang gunman na kinilalang si MS at driver ng motorisklo na si JA.
Naaresto sila sa Mabalacat, Pampanga kaniang umaga matapos ang follow up at intelligence-driven manhunt operations.
Narekober sa kanila ang 2 hand grenades, caliber 45 pistol at 9 mm pistol.
Samantala, nasampahan na rin ng reklamo ang mga suspek ng kasong murder, paglabag sa RA 10591 at RA 9516.
Sa ngayon, nananatili namang personal at may kinalaman sa trabaho ang nakikitang motibo sa krimen. | ulat ni Jaymark Dagala