Kapanatagan ng loob para sa 425 farmer beneficiaries ang pangunahing hatid ng Ibato-Iraan Small Reservoir Irrigation project sa Palawaan, na pinasinayaan, ngayong araw, July 23.
Ang ₱866.12 million project na ito ang pinakamalaking irrigation facility sa Palawan, na magbibigay patubig sa 1,072 ektarya ng lupang sakahan sa lugar.
Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa tulong ng proyekto, matitiyak ang sapat at maaasahang supply ng tubig, para sa buong taon sa lugar.
Magreresulta, aniya, ito ng mas masaganang ani ng bigas, mas maraming sako ng gulay, at mas malaking kita para sa mga magsasaka.
Ang tanging hiling lamang ng Pangulo, alagaan at siguruhin ang maayos na pagtakbo ng pasilidad, upang tuloy-tuloy na mapakinabangan ng mga magsasaka sa lugar.