Nakipagpulong ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para talakayin ang isang Data Sharing Agreement (DSA) na layong palakasin ang koordinasyon ng dalawang ahensya sa paglaban sa illegal drugs, money laundering, at mga paglabag sa batas sa buwis.
Pinangunahan ni BIR Commissioner Charlito Martin R. Mendoza ang pulong kasama si PDEA Chief of Staff/Director III PBGen. Emeterio M. Bitong (Ret.) at iba pang opisyal ng dalawang ahensya.
Sa pulong, binigyang-diin ng BIR at PDEA ang kahalagahan ng mas pinaigting na information sharing para mapalakas ang intelligence investigations at matiyak na mapapanagot ang mga indibidwal at grupong sangkot sa mga ilegal na aktibidad.
Target na lagdaan ang Data Sharing Agreement sa pagdiriwang ng 122nd Anniversary ng BIR sa July 31, 2026.