Itataas ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang full alert status simula bukas, July 24.
Ito ay para sa seguridad ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Monday, July 27.
Bahagi rin ng ipatutupad na security measures ang no-fly zone, no-drone zone sa mga designated area, at suspensyon ng Permit to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR).
Kabuuang 21,261 na pulis ang ide-deploy para sa SONA, bukod pa sa 3,000 standby personnel mula sa Police Regional Offices 2, 4B, at 5.
Samantala, magpapatupad din ng pansamantalang road closures at traffic rerouting, partikular sa paligid ng Batasang Pambansa Complex.