Naharang ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tangkang pag pasok sa bansa ng mga smuggled na sigarilyo sa Davao del Norte.
Aabot sa ₱61 milyong halaga ng sigarilyo ang nakumpiska sa Barangay Busaon, Tagum City, Davao del Norte.
Ayon kay Spokesperson, Commodore Noemie Cayabyab, nakatanggap sila ng impormasyon na may Jungkong-type motor banca ang illegal na magdadala ng master cases na mga smuggled na sigarilyo at dadaan sa Libuganon River para maipakalat sa Davao Region.
Bagaman nakaalis na ang bangka ay inabutan ang mga nakaimbak na sigarilyo at naaresto ang apat na suspek.
Nagsagawa naman ng follow up operation ang PCG at inabutan ang tumakas na motor banca sa karagatang sakop ng Maco, Davao de Oro at inaresto ang mga tripulante.