Pampanga ang biyahe ngayong umaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa dadaluhan nitong apat na aktibidad.
Isa sa apat na aktibidad ng Punong Ehekutibo ay ang gagawin nitong inspeksiyon sa Pampanga Food Security Complex sa bayan ng Lubao.
Mula Lubao ay tutungo ang Pangulo sa Clark Freeport Zone para sa inagurasyon ng DOH-JBL Children’s Medical Center at pagkatapos nito ay pupunta na ang Punong Ehekutibo para sa kanyang ikatlong aktibidad.
Ito ay ang gagawing pagbisita sa Converge Angeles Data Center sa Balibago sa Angeles City.
Ikaapat at huling aktibidad ng Chief Executive ay ang pangungunahang distribusyon ng Patient Transport Vehicle para sa mga lokal na pamahalaan ng Northern at Central Luzon.