Naglabas ng Joint Communiqué ang mga foreign minister ng ASEAN matapos ang ika-59 na ASEAN Foreign Ministers’ Meeting sa Maynila, na naglalaman ng mga pangunahing hakbang upang palakasin ang kapayapaan, seguridad, paglago ng ekonomiya, at kooperasyon sa rehiyon.
Sa naturang communiqué, muling pinagtibay ng mga bansang kasapi ang kanilang pangako sa pagpapatupad ng ASEAN 2045: Our Shared Future, kabilang ang pagpapalakas ng konektibidad, pagpapanatili ng kapayapaan batay sa international law, at pagpapalalim ng kooperasyon sa gitna ng umiiral na geopolitical at economic challenges.
Binigyang-diin din ang pangangailangang palakasin ang seguridad sa pagkain at enerhiya, supply chains, digital transformation, at regional resilience upang matiyak ang matatag na pag-unlad ng ASEAN.
Kasabay nito, inihayag ng ASEAN ang patuloy na pagsusulong ng pagkakaisa at centrality ng organisasyon, habang naghahanda ang rehiyon sa mga susunod na ministerial at high-level engagements na magpapalalim pa ng kooperasyon sa loob at labas ng Timog-Silangang Asya.