Nakikipag-ugnayan na ang Department of Transportation (DOTr) sa Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines upang pagbigyan ang hiling nilang moratorium sa interest payments ng mga in-avail na loan ng transport operators sa pagbili ng modern jeepneys.
Nakaangkla pa rin ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpatupad ng mga hakbang upang salagin ang epekto ng nararamdamang price uncertainties sa petroleum products.
Ayon kay Transportation Secretary Giovanni Lopez, mahalaga ang hakbang na ito upang bigyan ng economic relief ang mga tsuper at operator ng jeepney sa patuloy na pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Isa rin ito sa mga nakikita nilang paraan upang hindi na maipasa sa mga commuter ang hinihiling na dagdag-pasahe sa jeepney.