Photos shows the facade of House of Representatives, the lower house of the Congress. at Batasang Pambansa in Batasan Hills, Quezon City on Wednesday, June 11, 2025. The Senate, acting as an impeachment court, voted 18–5 on Tuesday night to send the articles of impeachment against Vice President Sara back to the House of Representatives as a compromise aimed at upholding constitutional integrity without ending the case prematurely. (PHOTO BY MICHAEL VARCAS)
Mas pinaigting na ang seguridad sa Batasan Pambansa bilang paghahanda sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa July 27.
Nagpatupad na ang House of Representatives ng mas mahigpit na security protocols at lockout sa Batasan Complex, kung saan limitado na lamang ang mga pinapayagang makapasok sa loob ng compound.
Kabilang sa mga pinahihintulutan ang mga essential personnel na may direktang tungkulin sa paghahanda para sa SONA at mga miyembro ng accredited media.
Mahigpit na ring ipinagbabawal ang pagpasok ng mga sasakyang walang opisyal na car pass na inisyu ng House of Representatives.
Nangunguna sa pagpapanatili ng seguridad sa Batasan Complex ang House Sergeant-at-Arms, katuwang ang Presidential Security Group (PSG).
Kasabay nito, nagpapatuloy ang mga huling paghahanda, paglilinis, at pag-aayos sa loob at labas ng gusali, habang nagsisimula na ring magtayo ng kanilang broadcast booths at OB vans ang iba’t ibang media outlets.
Inaasahang lalo pang hihigpitan ang seguridad sa paligid ng Batasan Pambansa hanggang sa mismong araw ng SONA sa Lunes.