Sinabi ni Prosecution Legal Spokesperson Atty. Jay Tolosa na tungkulin na ngayon ng depensa na pabulaanan o sagutin ang mga iniharap na ebidensya matapos maglatag ang prosekusyon ng mga testigo at ebidensya sa usapin ng grave threats.
Ito ang binigyang-diin ng House prosecution panel matapos nitong pormal na tapusin ang pagpapasok ng mga ebidensya para sa nasabing akusasyon, kung saan ipinagdiinan na naipatunayan na nila ang kanilang kaso laban sa Bise Presidente.
Ayon kay Tolosa, sapat at matibay ang mga ebidensyang naisumite na sa Senate Impeachment Court ukol sa diumano’y pagbabanta ni Duterte sa buhay nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, at dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.
Kabilang sa mga iniharap ng prosekusyon ang mga sumusunod: authenticated audio at video recordings, forensic examination, at opisyal na imbestigasyon at National Security Assessment ng NBI.