Kampante ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na magiging maayos at payapa ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Lunes.
Ayon kay NCRPO Director Police Major General Anthony Aberin, walang nakitang banta sa seguridad ang NCRPO matapos ang isinagawang inspeksyon at walk-through sa kahabaan ng Commonwealth Avenue hanggang sa labas ng Batasang Pambansa ngayong umaga.
Sinabi ni Aberin na nakahanda na ang kanilang seguridad para sa ikalimang SONA ng Pangulong Marcos Jr.
Kaugnay nito, nanawagan si Aberin sa mga grupong magsasagawa ng rally na sumunod sa mga napagkasunduang panuntunan upang maiwasan ang kaguluhan at posibleng pag-aresto.
Sinabi rin ng opisyal na “all systems go” na ang NCRPO, at nagsimula na ang deployment ng mga tauhan ng PNP hindi lamang sa Quezon City kundi maging sa Maynila.