Photo courtesy of BFAR Philippines
Itinatag na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang Alliance of Fisherfolk for Truthful Information and Narratives on the West Philippine Sea (ATIN-WPS) sa Subic Bay Freeport, Zambales.
Mahigit 80 lider ng mga mangingisda at mga kinatawan ng BFAR, Philippine Coast Guard (PCG), National Security Council (NSC), at mga lokal na pamahalaan ang dumalo.
Layunin ng programa na mabigyan ng tamang impormasyon ang mga mangingisda tungkol sa West Philippine Sea.
Ayon kay BFAR Director Elizer Salilig, mahalaga ang papel ng mga mangingisda sa pagprotekta sa West Philippine Sea.
Sinabi naman ni National Security Council Director Romeo Racadio na kailangang labanan ang misinformation at disinformation sa isyu ng West Philippine Sea.
Kasama sa programa ang pagsasanay sa batas, kasaysayan, at karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea, sa tulong ng Fish Right Project ng U.S. Embassy Manila.