Nasa 26 na mga barko ng China ang namonitor ng Philippine Navy sa apat na maritime features sa West Philippine Sea mula July 21 hanggang July 26.
Sa Ayungin Shoal, namonitor ang pitong China Coast Guard vessels at dalawang People’s Liberation Army Navy ships. Sa Bajo de Masinloc naman, 13 China Coast Guard vessels ang namataan.
Samantala, tig-isang China Coast Guard vessel ang namonitor sa Escoda Shoal at sa Pag-asa Island, kung saan namataan din ang dalawang People’s Liberation Army Navy ships.
Patuloy namang iginiit ng Armed Forces of the Philippines ang pagbabantay nito sa pambansang teritoryo at soberanya ng Pilipinas, alinsunod sa international law at sa layuning mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon. | ulat ni Diane Lear