doe
Umaasa ang Department of Energy (DOE) na bababa na sa susunod na linggo ang presyo ng langis sa merkado.
Ayon kay DOE Undersecretary Sandy Sales, ito ay dahil sa pagpasok ng China sa sigalot sa Middle East sa pamamagitan ng Pakistan.
Handa kasi umano ang China sa third-party negotiation na posibleng magpatahimik sa gulo sa Gitnang Silangan. Isa pa rito ang pansamantalang pagtigil ng US at Iran sa pagpapaputok ng missile.
Sa ngayon naman, tiniyak ng DOE na may sapat na suplay ng langis ang bansa na aabot sa 44 araw. Ang suplay ng gasolina ay tatagal ng 44 araw, diesel naman ay 42 araw, habang ang kerosene ay aabot hanggang 125 araw.