Dadaan pa sa mahabang proseso at masinsinang pag-aaral ang pagtanggal sa system loss sa bill ng kuryente dahil kakailanganin pang amyendahan ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).
Paliwanag ni Department of Energy (DOE) Secretary Sharon Garin, ang pagamyenda ay dadaan pa sa dalawang kapulungan ng Kongreso, at sa implementasyon nito ay maaaring humingi pa ng panahon ang mga electric cooperatives at distribution facilities.
Pero titiyakin naman ng DOE na bago ang susunod na State of the Nation Address ng Pangulo ay maisasakatuparan na ito.
Nilinaw naman ng DOE na hindi ang mismong Value Added Tax (VAT) ang nais ipatanggal ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang SONA kahapon, kundi ang VAT sa system loss. Pero sakali naman aniyang tanggalin ang system loss, mapa-teknikal man o hindi, ay aalisin ito.