Photo courtesy of Department of Agriculture (DA)
Malinaw ang mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi lamang pagkain ang layunin ng agrikultura kundi ang pagpapataas din ng kita ng mga magsasaka at mangingisda.
Ito ang sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. matapos ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo kung saan binigyang-diin ang mga programa para sa sektor.
Ayon kay Tiu Laurel, mahalaga ang pagpapalawak ng agricultural exports upang magkaroon ng mas malaking merkado at mas mataas na kita ang mga local producer.
Binanggit ng Pangulo ang mga programa tulad ng Benteng Bigas, Meron Na! at KADIWA ng Pangulo na layong gawing mas abot-kaya ang pagkain at suportahan ang mga magsasaka at mangingisda.
Iniulat din ni Pangulong Marcos ang pagtaas ng produksyon ng palay, mais, asukal, baboy, at manok dahil sa irigasyon, mekanisasyon at paggamit ng makabagong teknolohiya.
Ayon pa kay Tiu Laurel, nagpapatuloy ang mga proyekto tulad ng cold storage, food hubs at rice processing facilities na inaasahang magpapalakas sa agrikultura at food security ng bansa.