Screengrab from Radyo Pilipinas World Service FB livestreaming
Binigyang-diin ni Dr. Kenneth Lloyd M. Camaclang, RPsy, RPm, CSIOP, isang lisensyadong psychologist mula sa Alaya Psychological Services, ang kahalagahan ng suporta, pagpapahalaga, at malusog na kapaligiran sa trabaho upang mapanatili ang mataas na morale ng mga manggagawa.
Sa panayam sa programang “Warm Heart”, tinalakay ni Dr. Camaclang ang malalim na epekto ng kakulangan sa recognition, kawalan ng career growth, at ang pakiramdam ng pagiging undervalued sa pagganap ng isang empleyado.
Ayon sa eksperto, higit pa sa usapin ng salapi ang nagpapatakbo sa motibasyon ng tao sa trabaho. Ipinaliwanag niya na bukod sa sahod, may mga empleyado na more satisfied, more driven, at more motivated kapag nakakaramdam sila ng mga papuri (praises) at pagkakaroon ng sense of belongingness sa kanilang mga katrabaho at sa kumpanyang kanilang pinapasukan. Pakiramdam nila ay napapahalagahan ang kanilang mga pagsisikap.
Hinggil naman sa usapin ng mga nakakalasong kultura sa trabaho tulad ng bullying, mahinang pamumuno (weak leadership), at kakulangan sa support system, inilahad ng psychologist na may iba’t ibang aspeto kung bakit nagiging toxic ang isang opisina.
Inihayag niya na ang mga suliraning ito ay madalas na nagsisimula sa ang ganitong sistema ay unti-unting sumisira sa tiwala at pagkakaisa ng mga pangkat sa opisina.
Ang naging paalala ng eksperto, hindi dapat isakripisyo ang sariling kapakanan para lamang sa isang trabaho na hindi nagbibigay ng tamang pagpapahalaga.