Walang tigil ang information and communications technology development ng pamahalaan upang higit pang mapatatag at mapalawak ang internet connectivity sa buong bansa.
Ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Henry Aguda, seryoso si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa higit pang pagpapalakas ng internet connectivity sa bansa, kung saan isa sa mga nakikitang solusyon ay ang rollout ng kauna-unahang direct-to-cell satellite service sa Southeast Asia.
Sa pamamagitan ng serbisyong ito, maaari nang direktang makakonekta sa satellite sa kalawakan ang mga karaniwang at hindi binagong mobile phone, kaya hindi na kinakailangan ang paggamit ng traditional cell tower.
Makatutulong din sa pagpapalakas ng internet connectivity sa buong bansa ang National Fiber Backbone, na patuloy na pinalalawak at tinututukan ng pamahalaan.
Patuloy din ang Artificial Intelligence (AI) innovations ng Pilipinas, kabilang ang pagsusulong ng Pax Silica Project bilang bahagi ng mga hakbang upang mapaunlad ang AI ecosystem ng bansa.