Personal na ibinaba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Bawat Bayan Makikinabang program ng administrasyon sa Davao region, bilang bahagi ng hakbang ng National Government na palakasin ang mga lokal na pamahalaan sa bansa.
Ngayong araw (July 28), nasa ₱47 million ang pondong ipinagkaloob ng pamahalaan para sa 237 barangay ng Davao de Oro, kung saan nasa 1,185 presidential scholars naman ang nabigyan ng tig-₱20,000.
Sa Davao del Norte, nasa ₱44 million na pondo ang ipinagkaloob ng gobyerno, para sa 223 barangay na mayroong 1,115 presidential scholars.
Ang 105 na barangay naman ng Davao Occidental, nakatanggap ng kabuuang ₱21 million para sa mga proyekto nito at para sa 525 presidential scholars sa lugar.
Ang bilin lamang ng Pangulo sa mga ito, gamiting maigi ang mga ganitong programa ng pamahalaan para sa kanilang pag-unlad, na makakatulong rin sa kabuuang pag-angat ng Pilipinas.