Tuloy-tuloy ang pagkayod ng pamahalaan upang maisakatuparan ang mga legasiya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sektor ng edukasyon.
Ito ang binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara kasunod ng matagumpay na SONA ni Pangulong Marcos kung saan nabanggit ang ilan sa mga napagtagumpayan at dapat pang mauttukan sa education sector.
Isa nga sa mga itinuturig na legasiya ng Pangulo sa larangan ng edukasyon ay ang pag-involve nito sa mga lokal na pamahalaan sa pagpapatayo ng mga silid-aralan gayundin ang Academic Recovery and Accessible Learning o ARAL Program para sa libreng tutorial sa mga pampublikong paaralan.
Target din ngayon ng pamahalaan na makapagpatayo ng hindi bababa sa 30,000 classrooms ngayong taon mula sa kakulangang higit 140,000.
Bukod dito, seryoso na rin ang DepEd sa pagpapataas ng antas ng seguridad ng mga pampublikong paaralan, bagay na tinututukan na ng kagawaran katuwang na rin ang iba pang education stakeholders maging ang lokal na pamahalaan kasunod pa rin ito nang nangyaring mga karahasan kamakailan na ang salarin din ay mga estudyante o kabataan.
Aktibo na rin ang DepEd sa pagpapatupad ng mga active shooting drills at simulation sa mga paaralan upang sakaling manyari muli ang kaparehong insidente ay mas alam na ng mga guro at estudyante ang maging pangunahing aksiyon at tugon dito. | via Eph Gaytos