Nagpasalamat si Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. matapos siyang mapabilang sa mga pinaka-pinagkakatiwalaang pinuno ng ahensya ng pamahalaan sa pinakabagong Boses ng Bayan survey
Ayon sa survey, kabilang si PGen. Nartatez sa mga may pinakamataas na antas ng tiwala, na nagtalang 85.4 porsiyentong Index of Governance rating.
Gayunman, binigyang-diin niya na ang pagkilala ng publiko sa mahusay na mga gawain ng kapulisan at sa mga inisyatiba nito sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ang naging mahalagang salik sa naturang pagkilala sa Boses ng Bayan survey.
Iniuugnay din niya ang naturang pagkilala sa mga sakripisyo, dedikasyon at masigasig na pagtatrabaho sa pamamagitan ng mas pinaigting na police visibility at mga estratehikong operasyon
Gayundin ng mga hakbang sa seguridad para sa kampanya laban sa krimen at pagpapatupad ng batas.