Muling iginiit ni Energy Secretary Sharon Garin na posible talagang maalis ang system loss charge sa electric bills sa bansa.
Ito’y kasunod ng panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang ikalimang SONA kahapon, July 27, 2026 na alisin ito.
Ayon kay Secretary Garin, hindi ito ganoon kadali dahil kinakailangan ang pag-amyenda sa batas para maisakatuparan ito.
Ngunit kapag naisaprayoridad ito ng kongreso ay mas mapapadali na ang pag-aalis nito at malaki ang magiging kabawasan sa buwanang bill sa kuryente ng bawat pamilyang Pilipino.
Muli naman siniguro ni Secretary Garin na patuloy ang mga programa ng kanilang kagawaran sa pagbigbigay ng mas abot-kayang enerhiya alinsunod sa programa ni Pangulong Marcos Jr.