Personal na nagtungo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Davao de Oro (July 28), upang inspeksyunin ang bagong Medical Ward buidling at iba pang asilidad ng Davao de Oro Provincial Hospital (DDOPH)-Montevista.
Layong ng pasilidad na ito na mapalawak ang kakayahan ng ospital sa pagbibigay ng de kalidad na serbisyong medikal sa mga residente ng Davao de Oro at mga karatig-lugar.
Sa pagbisitang ito, sinaksihan din ng pangulo ang pag-isyu ng discharge papers sa ilang pasyente, na nakinabang sa Zero Balance Billing Program, kung saan wala silang binayarang gastusing medikal.
Samantala, ginamit din ng pangulo ang pagkakataon upang ipamahagi ang pondo mula sa Office of the President, na nagkakahalaga ng ₱147.95 million.
Tulong ito sa ilalim ng Socio-Civic Projects Fund (SCPF) upang suportahan ang rehabilitasyon at patuloy na pagpapahusay ng ospital, kasunod ng tinamo nitong pinsala, dulot ng magnitude 7.8 na lindol noong June, 2026.
Kung matatandaan, patuloy na pinatitibay ng pamahalaan ang sistema ng pangangalagang pangkalusugan sa pamamagitan ng modernisasyon ng mga pampublikong ospital.
Kabilang din ang pagpapatupad ng mga programang magpapagaan sa gastusing medikal ng mga Pilipino.
“Kabilang dito ang layuning maiangat sa Level 2 ang DDOPH-Montevista sa 2027 upang mas marami pang mamamayan sa Davao de Oro at mga karatig-lalawigan ang makinabang sa mas mabilis, mas mahusay, at mas komprehensibong serbisyong pangkalusugan.” -PCO. | ulat ni Racquel Bayan