Photo courtesy of Presidential Communications Office (PCO)
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tatapusin ng kanyang administrasyon ang pamamahagi ng mga titulo sa 2027 para sa agrarian reform beneficiaries (ARBs).
Bahagi ito ng State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo kung saan ay lagpas 400,000 titulo na ang kabuuang naipamahagi sa mga magsasaka at mangingisda.
Sa ulat ng Pangulo, may kabuuang lawak na mahigit 500,000 ektarya na ang naipamahagi ng kanyang administrasyon.
Kasama din sa target ng pamahalaan sabi ng Punong Ehekutibo ay kumpletuhin ngayong taon ang ginagawang pagpapawalang-bisa sa mga utang ng mga benepisyaryo.
Ito ay ang New Agrarian Emancipation Act o Republic Act No. 11953 na nilagdaan ng Pangulo noong July 7, 2023 na nag-aalis ng utang ng maraming benepisyaryo ng repormang agraryo.