Welcome sa Philippine Space Agency (PhilSA) ang pagtukoy ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ng nakatakdang kauna-unahang sounding rocket test launch sa Cagayan sa 2027.
Tina-target ng PhilSA ang test launch katuwang ang Department of Information and Communications Technology (DICT), Cagayan Economic Zone Authority (CEZA), at mga pribadong partner mula sa Pilipinas at South Korea.
Ayon kay PhilSA Director General Gay Jane Perez, malaking bentahe ng Pilipinas ang lokasyon nito para sa test launch dahil sa malawak na bahagi ng Karagatang Pasipiko at pagiging malapit sa equator, na angkop para sa ligtas at episyenteng rocket launch at recovery operations.
Dagdag pa ng PhilSA, layon ng proyekto na makapagbukas ng mas maraming oportunidad sa aerospace industry, makalikha ng mga high-value investments, at makapaglinang ng mas maraming Filipino experts sa larangan ng space science at rocket engineering.
