Matapos ang kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Davao de Oro Provincial Hospital sa bayan ng Montevista nitong Martes ng umaga, Hulyo 28, 2026.
Kasama ang Chief of Hospital na si Dr. Ferdinand Anthony Soberano, nag-ikot ang Pangulo sa nasabing pagamutan ang nakihalubilo sa mga pasyente nito.
Sa panayam kay Soberano, inilahad nito na napag-usapan nila ng Pangulo ang pagpapatupad ng Zero Billing Balance kung saan matagal na rin itong ipinatupad sa kanilang ospital.
Bago pa man umalis si Pangulong Marcos Jr., sa ospital, nagbigay naman ito ng tseke na aabot sa P147.9 million kung saan inihayag ni Soberano malaking tulong ito sa kanilang operasyon.