Photo courtesy of Presidential Communications Office (PCO)
Higit ₱6 trilyong ang pumasok na foreign investment sa bansa sa nakalipas na tatlong taon.
Bahagi ito ng iniulat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) kung saan binanggit ng Pangulo na ang pagpapatupad ng ease of doing business at digital transformation ang mga dahilan para makamit ang pumasok na halaga ng foreign investment.
Sabi ng Pangulo, tinatayang makalilikha ito ng mahigit 400,000 trabaho para sa ating mga kababayan.
Idinagdag ng Pangulo, na sa pamamagitan ng mga international engagement ay nagkaroon ng nasa 23 free trade agreements ang Pilipinas habang nagpapatuloy din sa paglago ang export performance ng bansa.
Sumasalamin aniya ito sa mataas na antas ng productivity at sa patuloy na pagtaas ng kakayahang makipagsabayan ng ating mga produkto at serbisyo sa pandaigdigang pamilihan.