Photo courtesy of House of Representatives
Handa ang Kamara na isulong ang mga panukalang inilatag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA).
Ayon kay Speaker Faustino “Bojie” Dy III, sisikapin ng Kamara na maisabatas ang mga prayoridad ng administrasyon sa pamamagitan ng maagap at masusing pagtalakay sa mga panukala.
Kabilang dito ang pagpapalawak ng income tax exemption para sa mga kumikita ng hanggang ₱350,000 kada taon, pagbabawas ng buwis sa mga manggagawa, pagbibigay ng tax amnesty, at pag-alis ng minimum corporate income tax para sa maliliit na negosyo.
“The House fully supports the President’s call to provide meaningful tax relief to our people. We will carefully study these proposals and work to pass measures that will allow Filipino workers to keep more of what they earn, help small businesses grow, and give qualified taxpayers a fresh start through a fair and responsible tax amnesty,” ani Dy.
Tututukan din aniya nila ang mga panukalang magpapababa ng singil sa kuryente, kabilang ang Sariling Kuryente Act at mga amyenda sa Electric Power Industry Reform Act o EPIRA.
Ito ay upang mapagaan ang gastusin ng mga pamilyang Pilipino at mapalakas ang ekonomiya ng bansa.
“The President has made it clear that bringing down electricity costs is a national priority, and the House stands ready to do its part. We will give due priority to the proposed Sariling Kuryente Act and the amendments to the EPIRA to ensure that consumers are no longer made to shoulder charges that should not be passed on to them,” saad ng House Speaker.
Mahalaga naman aniya na magtulungan ang Ehekutibo at Lehislatura upang maisakatuparan ang mga repormang pakikinabangan ng taumbayan.
Punto niya na ang tunay na sukatan ng bawat batas ay ang konkretong pakinabang nito sa buhay ng bawat Pilipino.