Siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magsasagawa sila ng hakbang upang mailahad sa publiko ang magandang benepisyo kung gagamit ng nuclear energy ang bansa.
Ayon sa Punong Ehekutibo, kanilang ipaliliwanag nang mabuti ang magandang dulot ng enerhiyang nukleyar sa gitna ng target na mapatatag ang energy security at maibaba ang presyo ng kuryente.
Sabi ng Pangulo, panahon na para muling bigyang-pansin ang may kinalaman sa nuclear energy production lalo na’t ginagamit na Rin ito sa iba’t ibang aspeto.
Hindi lang aniya ina-apply ang usaping nuclear sa larangan ng enerhiya dahilginagamit na rin aniya ang nuclear energy sa medisina, agrikultura, water filtration, at upcycling ng plastik.
Malinaw sabi ng Chief Executive sa pamahalaan ang hinaing ng taumbayan na mapababa ang presyo ng kuryente sa bansa kaya’t kailangan na aniyang siliping muli ang paggamit ng nuclear energy at kasabay nito ay paglalahad sa taumayan ng benepisyong makukuha dito.