Kinumpirma ng Office of the Ombudsman na naglabas na ang preliminary investigation team ng order to file counter-affidavit kay dating House Speaker Martin Romualdez at sa iba pang respondents kaugnay ng ongoing na imbestigasyon sa flood control scandal.
Ayon sa Ombudsman, may 15 araw si Romualdez mula sa pagtanggap ng kautusan para magsumite ng kanilang counter-affidavit.
Matapos maisumite ng lahat ng panig ang kani-kanilang counter-affidavit, isasailalim na ito sa resolusyon para matukoy kung may sapat na batayan para sa pagsasampa ng kaukulang kaso sa korte.
Una nang naghain ang panel of investigators ng Ombudsman ng supplemental complaint laban kina dating House Speaker Martin Romualdez, dating Representative Zaldy Co, at iba pang respondents kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects.
Kabilang sa mga reklamong isinampa ang plunder, direct at indirect bribery, graft, at money laundering.