Hindi na magpapatumpik-tumpik at agad na tatalakayin ng Senado sa darating na Hulyo 30, huwebes ang posibleng amyenda sa Electric Power Industry Reform Act o EPIRA law.
Ayon kay Senate Committee on Energy Chairperson, Senador Erwin Tulfo noong nakaraang linggo pa lang ay kasama na sa priority agenda ng Senate Committee on Energy ang pag-amyenda sa EPIRA Law na suportado rin ng Department of Energy.
Kinatigan din ni Senador Erwin ang naging pahayag ni Pangulong Marcos Jr. na pagtatanggal na ng systems loss charges sa mga consumer dahil hindi naman kargo ng mga consumer kung ano man ang nagiging kalugian ng isang power stakeholder.
Dagdag pa ng Senador na titignan din nila ang posibilidad ng pagplalagay ng price cap sa presyo ng langis tuwing may krisis. | via Eph Gaytos