Target ng Marcos Administration na makamit ang singkuwenta porsiyentong energy consumption ng Pilipinas pagdating ng 2040 na renewable energy na.
Sa pagbubukas ng kauna-unahang interactive Energy Museum sa Taguig City, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nasa 25 porsiyento na sa kasalukuyan ang kuryenteng gamit ng bansa na galing sa renewable energy.
35% usage naman ng renewable energy ang target ng gobyerno na gamitin na ng bansa tatlong taon mula ngayon o pagsapit ng 2030.
Kumpiyansa naman ang Pangulo na makakamit ang nabanggit na mga target batay na rin sa garantiyang ibinigay sa kanya ni Energy Secretary Sharon Garin.
Kumpiyansa aniya ang Kalihim na mangyayari ang projection, at batay aniya sa record ni Garin ay nagagawa o naisasakatuparan naman nito ang binibitiwan nitong pangako.
