Welcome sa Energy Regulatory Commission (ERC) ang pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang ika-5 SONA na alisin na ang systems loss sa monthly billing ng mga kumokonsumo ng kuryente.
Sa pahayag ng ERC, kanilang sinabi na suportado nila ang nais ng pangulo dahil makatutulong ito para maibsan ang pasanin ng mga Pilipino sa mahal na singil sa kuryente.
Dagdag pa ng komisyon, kailangan ng mga hakbang para mabawasan ang “unnecessary costs” o mga hindi mahalagang singilin para matiyak ang sapat na suplay ng kuryente.
Bilang independent electric power industry regulator, sinabi ng ERC na handa silang makipagtulungan sa Kongreso, Department of Energy, industry stakeholders, at iba pang concerned government agencies sa pagsusulong ng naturang reporma sa kuryente.