Hindi maitatanggi na isa sa mga malalaking dahilan na tinitingnan ng isang negosyante sa kanilang uumpisahang negosyo sa alin mang bansa ang “cost of doing business,” kaya naman magiging napakalaking bentahe ng Pilipinas kung mapapababa pa nito ang presyo ng kuryente sa pamamagitan ng pag-amyenda ng EPIRA Law.
Sa panayam ng programang BOSES sinabi ni Financial and Market Analyst Prof. Astro Del Castillo, na magiging positibo ang epekto ng pag-amyenda sa EPIRA law dahil mas mapapataas na ang kapasidad ng mga negosyo at sisigla rin ang economic activity ng bansa.
At kung susumahin malaki rin ang posibilidad na may magandang indikasyon din ito sa mga trabahador dahil sa posibleng dagdag benepisyo sa kanila bunsod ng matitipid ng mga negosyo.
Isang punto rin na dapat matutukan ngayon ng pamahalaan ay ang pagpapataas pa ng base load ng energy reserve ng bansa at hindi lang ang pagpapamura sa presyo nito.
Mahalaga rin na mabago na ang persepsiyon ng buong mundo sa energy cost ng Pilipinas upang maging mas maging kaaya-aya ang business climate ng bansa.