Alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na alisin ang systems loss sa bill ng kuryente.. agaran nang pinulong ng Department of Energy at Energy Regulatory Commission ang Manila Electric Company o MERALCO noong July 28, o Martes.
Base sa opisyal na pahayag na inilabas ng DOE Ilan sa mga pangunahing tinalakay ay ang mga polisiya, regularidad at pag-amyenda sa EPIRA o Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) Law.
Patuloy din ang talakayan paano pabababain ang singil ng kuryente para sa mga konsumer.
Ang naging mabilis na pagkilos naman ng DOE para s apagtugon ng pangako ng pangulo sa kanyang State of the Nation Address ay patunay na layon ng gobyerno na mapagaan ang pamumuhay ng mga Pilipino.
Ang systems loss naman ay ang kuryenteng nawawala tuwing dumaraan sa transmission st distribution networks ang elektrisidad. Maaari rin itong mula sa mga ninanakaw na linya ng kuryente.
Nakasaad sa batas na maaari itong singilin sa mga konsumer kaya kailangan ng pag-amyenda ng EPIRA Law para maipatupad ito. | ulat ni Louisa Erispe