Photo courtesy of Manila LGU
Kasunod ng mga naranasang pag-ulan at obserbasyon, target ng DPWH na magsawa ng karagdagang proyekto kontra baha sa lungsod ng Maynila.
Ngayong July 30, 2026 ay ininspeksyon ni DPWH Secretary Vince Dizon at Manila City Mayor Isko Moreno ang kahabaan ng España Blvd. at pinag-usapan ang isasagawang flood mitigation project sa mga flood prone area sa lungsod.
Ayon kay DPWH Secretary Dizon, aayusin at papagandahin ang drainage system, tataasan ang kalsada, at magtatayo ng malaking catch basin sa Earnshaw St. sa Sampaloc, Maynila.
Ito ay para makatulong sa mabilis na pagdaloy ng tubig at pagbabawas ng baha sa España Blvd.
Sisimulan ang proyekto sa Setyembre kung saan inaasahan ang posibleng pagbigat ng daloy sa trapiko.
Para naman kay Manila City Mayor Moreno, ang pansamantalang abala ay magreresulta sa pangmatagalang solusyon sa problema sa pagbaha.