Malapit nang matanggap ng low-income earners ang unang tranche ng kanilang UPLIFT Assistance, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa DSWD Forum, sinabi ni DSWD Usec. Adonis Sulit na naipasa na ng SSS sa Land Bank of the Philippines ang listahan ng mga benepisyaryo na makatatanggap ng cash aid.
Paliwanag nito, posibleng sa mga susunod na araw ay maipadala na sa mga disbursement account ng mga kwalipikadong benepisyaryo ang unang tranche na P2,000 ayuda.
Aniya, isinailalim sa data matching ang database ng SSS at Community-Based Monitoring System (CBMS) ng Philippine Statistics Authority (PSA), kung saan natukoy ang 978,000 indibidwal na kumakatawan sa humigit-kumulang 1.4 milyong households na kwalipikado para sa programa.
How about bhw 2,500 yung honorarium namin a month .. yung sa province wala pa nga eh sa ibang lugar meron na sila .
Kailan po kami mag hihintay para mabigyan po ng ayuda Wala pa po Kam ng pasok
paano ko malaman kung makatanggap ako uh hnd?