Naghain ng panukalang batas si Bagong Henerasyon Party-list Rep. Robert Nazal upang ipagbawal ang pagpapasa ng system loss charges ng mga electric distribution utilities gaya ng Meralco sa mga consumer.
Ang House Bill No. 10357 ay inihain ni Nazal kasunod ng panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) na tanggalin ang naturang singilin sa mga bill sa kuryente.
Layon din ng panukala na amiendahan ang Section 10 ng R.A. 7832 or the Anti-Electricity and Electric Transmission Lines/Materials Pilferage Act of 1994.
Ayon kay Nazal.. ang kinagawian na pagpasa ng distribution utilities ng system losses sa mga consumers ay mali dahil dapat sagot ito ng mga electric companies bilang bahagi ng kanilang operasyon.
Iminumungkahi rin ng bill na atasan ang bawat distribution utility na magsumite ng limang taong system loss reduction plan sa ERC sa loob ng 180 araw mula sa pagkakabisa ng batas. | ulat ni Melany Reyes