Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang inspeksyon sa mga bagong pasilidad ng Sual Fish Port (SFP) sa Sual, Pangasinan ngayong Huwebes, Hulyo 30, 2026— bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na higit pang palakasin ang sektor ng pangisdaan sa bansa.
Kasama ng Pangulo sa pagbisita sina Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. at mga lokal na opisyal.

Sa isang panayam, sinabi ni Secretary Tiu Laurel na direktiba ni Pangulong Marcos na paunlarin ang mga fish port sa bansa at palakasin ang sektor ng pangisdaan sa pamamagitan ng modernong post-harvest facilities.
Kabilang sa mga bagong pasilidad sa SFP ay ang cold storage, blast freezer, ice maker, at processing facility.
Sa pamamagitan ng mga bagong pasilidad, inaasahang mapapalawak ng SFP ang kakayahan nitong magbigay ng mas mahusay na serbisyo sa mga fisheries stakeholders.
Ang nasabing pantalan, na pinangangasiwaan ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA), ay itinuturing na isa sa mga pangunahing economic driver ng sektor ng pangisdaan sa Hilagang Luzon.
📷 Province of Pangasinan